-- Advertisements --
Inaresto ng mga kapulisan sa England ang R&B singer na si Chris Brown dahil sa pambabato ng bote.
Sa kaniyang tinutuluyang hotel sa Manchester, England ay inaresto ang singer.
Nangyari ang insidente noon pang Pebrero 19, 2024 sa Tape nightclub.
Sinabi nito na nagkaroon sila ng alitan ng music producer na si Abe Diaw at inakusahan siyang binato ng bote.
Dahil sa insidente ay desididong nagsampa ng kaso si Diaw laban sa singer.