-- Advertisements --

8th2

Nag-assume na bilang bagong acting commander ng 8th Infantry Division ng Philippine Army si Brig. Gen. Wilbur Mamawag kapalit ni Maj. Gen. Pio Diñoso III na nagretiro na sa serbisyo kahapon, October 9, 2021.

Mismong si Philippine Army commanding general Lt.Gen. Andres Centino ang nanguna sa isinagawang Change of Command at Retirement Ceremony sa Catbalogan, Samar.

Nakibahagi din si AFP chief of staff Gen. Jose Faustino sa nasabing seremonya sa pamamagitan ng video teleconference.

Isinalin ni Maj. Gen. Pio Diñoso III ang kaniyang pamumuno kay Brig. Gen. Mamawag.

Si Mamawag ay graduate ng Philippine Military Academy (PMA) “Makatao” Class of 1989.

Bago pa siya itinalaga bilang 8th ID commander, siya ay dating commander ng 603rd Infantry Brigade, Assistant Division Commander ng 8th ID.

Dahil sa kaniyang malawak na karanasan sa administrative at operational units and offices kaya pinili siyang mamuno bilang commander ng 8th ID.

Sa kabilang dako si Maj. Gen. Diñoso, ay miyembro ng PMA “Maringal” Class of 1988, kung saan pinangunahan nito ang Stormtroopers na makamit ang tagumpay sa pakikipaglaban sa mga rebeldeng para mapanatili ang peace and order sa Eastern Visayas.

Si Diñoso ay mistah nina AFP chief Faustino at Army chief Centino.

8th1

Ipinagmalaki ni Diñoso na sa kaniyang pamumuno nagkaroon sila ng mga significant developments lalo na sa kampanya laban sa insurgency.

Sa mga ikinasa nilang operasyon nagresulta ito sa 138 engagements, at pagkaka neutralized sa 2,819 CPP-NPA at ang pagrekober sa 297 assorted firearms at 223 anti-personnel mines.

Nasa 28 enemy encampments ang nakubkob ng militar, pitong guerilla fronts ang kanilang nabuwag, at nasa 213 affected barangays ang insurgency free ngayon.

Pinuri naman ni Lt. Gen. Centino sina Diñoso at Mamawag sa kanilang mga naging accomplishments.

“To Maj. Gen Diñoso, happy retirement to you! Together with your family, enjoy the days ahead. And to the men and women of 8ID, I enjoin you to give Brig. Gen. Mamawag the same trust and support. Rest assured that the Headquarters Philippine Army will provide all necessary equipment and resources for your Division to triumph over the enemy and sustain your unit’s milestones for the months ahead,” pahayag Lt. Gen. Centino.