CAGAYAN DE ORO CITY – Arestado ang isang barangay opisyal at Asawa nito dahil sa pagtutulak ng ipinagbabawal na gamot sa Purok 4, Rebucon Kolambugan, Lanao del Norte.

Kinilala ang mga suspek na sina Kagawad Jean Masanay, 40, at Fidel Masanay, 46, residente sa nasabing lugar.

Gamit ang P1,000 na marked money, isinagawa ng magkaibang unit ng PNP ang operasyon na nagresulta sa pagkahuli ng mga suspek.

Nai-turn-over na sa crime lab ang nasa mahigit limang sachet ng pinaniniwalaang shabu upang magsilbing ebidensya sa korte laban sa mga naaresto.