CAGAYAN DE ORO CITY – Tila rematch ang masasaksihan ng boxing fans sa pagitan ng dalawang boxing medalists na si Pinoy boxer Carlo Paalam at Malaysian contender Muhamad Fuad Redzuan.

Ito ay matapos magkakaharap muli sina Paalam at Redzuan para sa semi-final round ng boksing sa nagpapatuloy na Southeast Asian Games 2019 na gagawin sa Philippine International Convention Center sa Biyernes.

Sinabi ni City Mayor Oscar Moreno na mismo ang humubog sa boxing talents ni Paalam dahil sa sports program nito na isang matapang na boksingero ang kanyang alaga kaya tiwala ito na na hindi aatrasan ang kahit sinumang makakalaban.

Inihayag ni Moreno na kasangga pa rin nito ang panalangin upang magiging pokus si Paalam sa kanyang pagharap sa gold medalist na si Muhamad.

Dagdag ng opisyal na sana mahawakan ni Paalam ang momentum ng laban para mas madali sa kanya ang pagsagawa ng kanyang game plan.

Magugunitang maliit pa lamang si Paalam ay nasa boxing program na ito ni Moreno noong gobernador pa sa Misamis Oriental hanggang sa naging alkalde sa Cagayan de Oro City.