-- Advertisements --
CEBU CITY – Inanunsiyo ni Cebu City Mayor Edgardo Labella na luluwagan na ang border control sa lungsod ng Cebu.
Ito’y dahil sa nalalapit na ang kapaskuhan kung saan papayagan na ring makapasok sa lungsod ang mga negosyante, mamimili at mga gustong bumisita sa kanilang mga kamag-anak.
Maliban pa nito, papayagan na ring makadalo sa misa de gallo ang isang indibidwal kahit walang dalang quarantine pass.
Pinaalalahanan naman ng alkalde ang publiko na patuloy pa ring sundin ang mga health and safety protocols at iwasan ang mga pagtitipon.
Samantala, base pa sa pinakahuling data na inilabas ng Department of Health kahapon Disyembre 7, nasa 175 na lang ang aktibong kaso sa Cebu City mula sa 879 active cases sa buong Rehiyon 7.