KALIBO, Aklan — Lumikas ang ilang mga residente mula sa ilang barangay ng bayan ng Nabas, Buruanga at Malay, Aklan matapos na pasukin ng rumaragasang baha ang kanilang bahay dahil sa walang humpay na pagbuhos ng ulan dulot ng masamang panahon.
Kaugnay nito, pansamantalang nawalan ng power supply ang nasabing mga bayan matapos na ang ilang linya ng kuryente ay naputol.
Ayon kay Catherine Fulgencio, department head ng local disaster risk reduction management office ng LGU Malay na pinasok rin ng tubig-baha ang ilang establisyimento, kabahayan at boarding houses sa isla ng Boracay kung kaya’t ipinagpaliban ng Malay-Boracay Tourism Office ang pagsisimula ng iba’t ibang aktibidad para sana sa Boracay White Beach Festival na magtatagal hanggang November 2, 2025.
Sa kabilang dako, nananatili pa aniya sa pagamutan sa bayan ng Kalibo ang isang lokal na turista matapos na tamaan ng kidlat habang naliligo sa baybayin ng Boracay.
Aniya, masaya pang naliligo ang 38-anyos na turista sa kasagsagan ng malakas na pagbuhos ng ulan kung saan, hindi nito napansin ang nagkikislapan nang kidlat at bigla na lamang itong nagpasaklolo.
Kaagad na nakuha ang nanghihina nang biktima sa dagat at isinugod sa pagamutan kung saan siya sa kasalukuyan nananatili para sa kaniyang agarang paggaling.
Vc…cue…cut si Catherine Fulgencio, department head ng local disaster risk reduction management office ng LGU Malay sa kaniyang naging pahayag.//
















