Meralco Bolts
Meralco Bolts/ PBA image

Tinambakan ng Meralco Bolts ang San Miguel Beermen 125-99 sa nagpapatuloy na PBA Governors’ Cup.

Bumida sa panalo ng Bolts si Allen Durham na nagtala ng 29 points, 15 rebounds at 11 assists habang mayroong 26 points si Baser Amer.

Sinamantala ng Bolts ang pagkawala ng import ng Beermen na si Dez Wells dahil sa injury.

Ayon kay Bolts coach Norman Black, na naging maganda ang laro nila mula pa noong unang quarter.

Dahil sa panalo ay nasa pangatlong puwesto na ang Bolts na mayroong limang panalo at dalawang talo habang nasa pang-lima ang Beermen na mayroong limang panalo at tatlong talo.