-- Advertisements --

Inanunsiyo ng Bureau of Customs na papalawigin na nila sa tatlong taon ang bisa ng importer accreditation. Bahagi ito ng hakbang pamahalaan na pagaanin ang proseso ng pagnenegosyo sa bansa.

Babaguhin ng repormang ito ang Customs Administrative Order No. 07-2022, mula sa dating isang taon, magiging tatlong taong na bisa ng accreditation, na layuning mapahusay ang operasyon, integridad, at mabawasan ang pagkakataon para sa katiwalian.

Layunin din nito pasisimplehin din ang proseso, na magbibigay-daan upang higit silang makapagpokus sa kanilang mga operasyon sa halip na taunang pag-renew.

Ayon kay Customs Commissioner Ariel Nepomuceno, nakatuon ang kawanihan sa pagpapahusay ng accreditation process para sa mga importer habang pinangangalagaan ang transparency at pananagutan sa operasyon.

Bilang bahagi ng reporma, itataas ang processing fee mula PHP 2,000 tungo sa PHP 5,000 para sa tatlong taong bisa ng accreditation. Ang pagtaas na ito ay makatutulong sa kawanihan upang mas mahusay na matugunan ang lumalaking pangangailangan at mapahusay ang sistema ng accreditation. (Report by Bombo Jai)