Nakataas na ngayon ang alerto ng Bureau of Customs (BOC) sa mga ukay-ukay at iba pang produktong inaangkat mula sa iba’t-ibang bansa partikular sa China.

Sinabi ni Customs Assistant Commissioner Vincent Maronilla, ang mga gamit na damit, animal products at iba pang imported products ay maituturing na high risk dahil malaki ang tiyansang kumapit sa mga ito ang 2019 Wuhan coronavirus.

Ayon kay Asec. Maronilla, ipinagbabawal naman talaga ang imported used clothing sa bansa kaya walang mawawala kung mas magiging vigilante ang pamahalaan kaugnay nito.

Puspusan na rin ang ginagawa nilang koodinasyon sa Philippine Coast Guard (PCG) at Department of Health (DOH) para tutukan ang mga produktong ipinapasok sa bansa.

Humihingi na rin umano sila ng listahan sa DOH ng mga produkto na maituturing na “critical items” o maaaring kapitan ng virus at maipasa sa tao.

-- Advertisement --