-- Advertisements --
Itinuring ni US Secretary of State Antony Blinken na matagumpay ang ginawa nitong pagbisita sa China.
Nitong Sabado ng magtungo si Blinken sa China at nakipagpulong ito kay Chinese foreign minister Qin Gang.
Tinalakay nila ang pagkakaroon ng “open channel of communications:
Tinanggap rin ng Chinese foreign minister ang imbitasyon ni Blinken na bumisita sa US.
Magugunitang nakaplano na sana noong Pebrero ang pagbisita ni Blinken sa China subalit hindi ito natuloy dahil sa isyu ng Chinese spy balloon na nasa teritoryo ng US.