-- Advertisements --

Nagbabala ang Bureau of Customs (BOC) sa publiko laban sa mga mapanlinlang na indibidwal na nagpapakilalang opisyal ng ahensya para manghingi ng pera kapalit ng umano’y “special treatment” o mabilis na pagproseso ng kargamento.

Ayon sa kagawaran, wala silang programang tinatawag na “Enrollment scheme” na nag-aalok ng pabor sa mga importer o broker na magbabayad ng grease money. Mariing itinanggi at kinondena ni Customs Commissioner Ariel Nepomuceno ang naturang modus.

Iniimbestigahan na ng ahensya ang mga nasa likod ng scheme at binalaan ang publiko na ang sino mang papatol dito ay maaaring makasuhan. Pinatitiyak din sa mga tauhan ng Customs na panatilihin ang pinakam

Hinimok ng ahensya ang publiko at stakeholders na i-report agad ang mga kahina-hinalang alok sa ahensya. Nanindigan sila na patuloy silang magsusulong ng transparency at mahigpit na pagpapatupad ng batas upang maputol ang katiwalian.