blatche
Andray Blatche/ Photo courtesy of FIBA

Makikibahagi na si naturalized player Andray Blatche sa ensayo ng NLEX Road Warriors.

Kinumpirma ito ni NLEX coach Yeng Guiao na magsisimula ngayonga Martes, Hulyo 23 ang ensayo ng koponan kasama si Blatche.

Sinabi ng Gilas Pilipinas coach, nais niyang ma-familiarized si Blatche sa kaniyang mga manlalaro.

Dagdag pa nito na mahalaga ang pagkakaroon ng chemistry ng bawat manlalaro kay Blatche.

Paglilinaw naman ni Guiao na hindi maaapektuhan ang oras sa pag-ensayo ni Blatche dahil sa umaga isasagawa ang ensayo sa NLEX habang sa hapon naman ay sa ensayo sa Gilas Pilipinas.