BLACKWATER
Blackwater elite/ PBA image

Sinamantala ng Blackwater Elite ang kawalan ng import ng Magnolia para magwagi 95-89.

Bumida sa panalo si Marquis Blakely na nagtala ng 21 points, 13 rebounds at limang steals.

Nag-ambag naman ng 20 points si Mac Belo habang mayroong 15 pints si Michael Di Gregorio at 12 points naman si Raben Al-Hussaini.

Ayon kay Blackwater coach Aris Dimaunahan, na labis ang pasalamat nila dahil hindi naglaro si Romeo Travis ng Hotshots dahil sa injury.

Pinasalamatan din nito ang kaniyang manlalaro dahil hindi nila hinayaan na lumamang pa ang Magnolia.

Hindi naman umubra ang nagawang 26 points ni Paul Lee at 12 points ni Ian Sangalang ng Hotshots.