Blackwater
Blackwater/ PB image

Nagpakitang gilas agad sa unang laro sa PBA si Bobby Ray Parks matapos dalhin niya ang Blackwater para talunin ang Barangay Ginebra sa Overtime game 108-107.

Nagtala si Parks ng 28 points at mapanatili ang Elite sa 2-0 ng unang manalo kontra Bolts sa pagbubukas ng PBA Commisioner’s Cup.

Mayroon namang 28 points at 25 rebounds si Alex Stephenson habang mayroong 20 points 13 rebounds si Mac Bello.

Ayon naman kay Blacwater coach Aris Dimaunahan na naging sulit ang pagsasagawa nila ng mga tune-up games noon.