Pinatikim ng Phoenix Pulse ang unang pagkatalo ng Blackwater 103-98 sa patuloy na PBA Commissioner’s Cup.

Binuhat ni Matthew Wright ang Phoenix na nagtala ng 22 points, seven rebounds at anim na assists.

Nag-ambag naman ng 18 points, 16 rebounds at apat na block ang nagbabalik na import nilang si Rob Dozier.

Sinabi ni Phoenix coach Louie Alas na naging matumpay sila sa lahat ng bagay at ang babaguhin lamang nila ay ang depensa.