BLACKWATER
Blackwater / PBA photo

Nakuha ng Blackwater ang unang panalo sa pagbubukas ng PBA Commissioner’s Cup 94-91 sa overtime game nila ng Meralco Bolts.

Ang nasabing panalo ng Blackwater ay siyang unang pagsabak ni Ray Parks Jr na nagtala ng 20 points.

Nanguna sa panalo ng Blackwater si Mike DiGregorio na nagtala 21 points habang mayroong 21 points at 31 rebounds si Alex Stephenson.

Naipasok ni Mac Belo ang kaniyang tira para maputol ang 91-91 deadlock sa natitirang 32.4 seconds.

Labis naman ang kasiyahan ng bagong coach ng Blackwater na si Aris Dimaunahan dahil kahit nalamangan sila ng Bolts ay ginawa pa rin nila ang kanilang makakaya para makahabol at manalo.