Blackwater Elite 2
Blackwater

Nagkasundo ng ang Blackwater at Meralco Bolts ng palitan ng mga manlalaro.

Ipapalit ng Elite sina Allein Maliksi at Raymar Jose kina Mike Tolomia at KG Canaleta ng Bolts.

Kasama rin sa deal ang pagbigay ng Bolts ng second-round draft pick sa Blackwater.

Ito na ang pangalawang beses ngayong linggo na nagpatupad ng trade ang Blackwater na ang una ay noong ipalit nila si Brian Heruela kay Mike DiGregorio ng TNT .