Reading Time: 1 minute
DFA Sec. Teddyboy Locsin
DFA Sec Locsin

Ligtas pa rin ang pagbiyahe sa Hong Kong kahit na nagkakaroon ng mga kaliwa’t-kanang kilos protesta.

Sinabi ni Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Teodoro Locsin Jr, na ang mga nagaganap na kilos protesta ay inaanunsiyo kaya may paghahandang isinasagawa bago pa man dumating ang araw ng kilos protesta.

Base sa mga nakuhang impormasyon ng kalihim na ilan sa mga petsa kung saan isasagawa ang kilos protesta ay sa Oktubre 9 -14, October 21, October 26 at October 31.

Patuloy pa rin ang kanilang mahigpit na paalala sa mga Filipino na nasa Hong Kong na iwasan ang pagsali sa mga rally.