-- Advertisements --

Nagpataw ng bagong parusa ang Estados Unidos sa 22 kumpanya mula sa Hong Kong, United Arab Emirates, at Turkey, dahil sa umano’y pagtulong ng mga ito sa pagbebenta ng langis ng Iran, ayon sa U.S. Treasury Department.

Lumabas pa sa ulat na ang kinikiya umano mula sa bentahan ng langis ay napupunta sa Islamic Revolutionary Guard Corps-Quds Force na kilala bilang isang makapangyarihang unit ng paramilitary ng Iran kung saan itinuturing ng Amerika bilang teroristang grupo.

Ginagamit umano ng Quds Force ang mga front companies at offshore accounts para ilipat ang daan-daang milyong dolyar na kita at iwasan ang U.S. sanctions.

Tinukoy pa ng U.S. Treasury na ginagamit ng Iran ang pondong ito para pondohan ang mga weapons programs at proxy groups sa rehiyon.

Ayon naman kay U.S. Treasury Secretary Scott Bessent, ang Iran aniya ay umaasa sa shadow banking system upang pondohan ang program nuclear at ballistic missiles nito.