-- Advertisements --

Nagbigay ang K-pop group na Twice ng aabot sa $128,458 bilang suporta sa recovery efforts sa mga biktima ng sunog sa Hong Kong.

Ayon sa JYP Entertainment na ang donasyon ay ibinigay sa pamamagitan ng Hong Kong Workd Vision para tulungan ang mga apektadong bata at pamilya.

Gagamitin ang pondo para magbigay ng temporaryo na tirahan, psychological treatment, education at livelihood support sa mga naapektuhan ng sunog.

Sa kanilang social media account ay nagpaabot ang grupo ng labis na kalungkutan at pakikiramay sa mga biktima ng sunog.