Nanawagan si Bishop Broderick Pabillo ng Manila Archdiocese na ipagdasal ang mga nasawi dahil sa COVID-19.

Sa misang isinagawa sa Manila Cathedral na pinangunahan ni Pabillo at dinaluhan ng pari, sinabi nito sa mga kaanak ng mga pumanaw dahil sa COVID-19 na hindi sila nag-iisa sa pagluluksa.

Sinabi rin nito sa mga kapwa pari na samahan nila ang mga kaanak ng mga nasawi dahil sa COVID-19 patungong langit.

Bago isagawa ang nasabing “Mass for the Dead” ay nagkaroon ng tatlong araw na pagdarasal isa ay para sa mga frontliners, para sa mga may sakit at para sa mga nasawi.