-- Advertisements --
Walang balak ang Bureau of Internal Revenue (BIR) na palawigin pa ang paghahain ng 2022 Annual Income Tax Return (AITR) na magtatapos sa Abril 17, 2023.
Ayon kay BIR Commissioner Romeo D. Lumagui, Jr., na gumawa na sila ng mga paraan para mapadali at mapabilis ang kanilang serbisyo sa mga taxpayers.
Isang inihalimbawa dito ay ang paglalagay nila ng mga BIR, Tax Assistance Centers at ang pagtanggap ng mga tax payments sa mga bangko.
Binigyang halaga nito ang pagbabayad ng tama sa oras ng mga buwis dahil ito ay nakakatulong para mapondohan ang mga proyekto ng gobyerno.