CENTRAL MINDANAO- Binawian ng buhay ang isang binata sa pamamaril dakong alas 9:02 kagabi sa probinsya ng Cotabato.

Kinilala ang biktima na si Dave Fuentes,22 anyos,negosyante at residente ng Sitio Paglaum Relocation Brgy Poblacion B M’lang North Cotabato.

Ayon sa ulat ng pulisya na nakatayo lamang ang biktima sa harap ng kanyang pag-aari na sari-sari store ng biglang lapitan ng mga hindi kilalang suspek at pinagbabaril gamit ang kalibre.45 na pistola.

Mabilis namang tumakas ang mga suspek sakay ng motorsiklo patungong Matalam Cotabato.

Patay on the spot ang biktima nang magtamo ng tama ng bala sa kanyang ulo at likod.

Sa ngayon ay blangko pa ang M’lang PNP sa motibo sa pamamaril patay sa biktima at patuloy pa silang nag-iimbestiga.