NAGA CITY- Pinaghahanap na ngayon ang isang bilanggo na nakatakas sa Pasacao, Camarines Sur.

Kinilala ang suspek na si Rizalino Candia, 39-anyos, residente ng Caranan sa nasabing bayan.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Camarines Sur Police Provincial Office, napag-alaman na mayroon itong pending case dahil sa rape.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, napag-alaman na nakiusap umano ito na gumamit ng CR ngunit dito na ito umakyat sa bubong at agad na tumalon sa konkretong bakod sa likod ng gusali ng DSWD.

Ayon pa dito, tumakas si Candia sa bundok na bahagi ng Sta Rosa Del Norte sa naturang bayan.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang imbestigasyon ng mga otoridad.