-- Advertisements --

Bumaba ang bilang ng mga Filipino na walang mga trabaho noong nakaraang buwan ng Mayo.

Kasunod ito sa pagpapaluwag ng mga quarantine restrictions kung saan marami na rin ang nakabalik sa kanilang trabaho.

Sinabi ni Philippine Statistics Authority (PSA) chief Claire Dennis Mapa na mayroong 7.7 percent ang unemployment rate noong Mayo.

Mas mababa ito sa naitala noong Abril na mayroong 8.7 percent.

Ang 7.7 percent ay katumbas aniya ng 3.73 milyon na mga Filipino na nasa 15-anyos pataas ang may trabaho.

Ang unemployment rate noong Mayo ay siyang pangalawang pinakamababa na naitala na ang una ay noong Marso na mayroong 7.1 percent.