-- Advertisements --

May libreng sakay sa Light Rail Transit 2 (LRT-2) at Metro Rail Transit 3 (MRT-3) ang mga mayroong National ID ngayong Setyembre 16.

Kasabay ito sa pagdiriwang ng International Identity Day.

Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), na libreng sumakay sa mga oras ng mula ala-7 ng umaga hanggang alas-9 ng umaga at ala-5 ng hapon hanggang alas-7 ng gabi.

Kailangan lamang ipakita ang anumang format ng National ID maging card, papel o digital format.

Mayroon din silang mga tauhan sa MRT-3 Cubao at Taft Stations na tutulong sa pagkuha ng mga pasahero ng Digital ID Card.