Kalibo, Aklan- Unti-unti nang tumataas ang bilang ng mga turistang pumapasok sa isla ng Boracay.
Ayon kay Malay Tourism Officer Mr. Felix Delos Santos, nakatala ang kanilang tanggapan ng nasa 15, 307 na mga indibidwal na pumasok sa isla noong Disyembre 1 hanggang 31, 2020.
Ngunit, mas mababa pa aniya ito sa 90% kung ihahambing sa kaparehong panahon noong 2019 kung saan, nakatala sila ng 152,354 tourist arrival.
Sa kabila nito, positibo naman si Delos Santos na tataas pa ang nasabing bilang sa paglipas ng mga araw sa oras na papayagan na ang mga international tourist na pumasok sa tanyag na isla.
Base sa kanilang datos, nanguna ang National Capital Region (NCR) sa may pinakamaraming bilang na bumisita sa isla.
Samantala, walang pagbabago sa ipinapatupad na health and safety protocols kaya hinikayat nito ang publiko na magbakasyon sa Boracay.