Mayroon ng kabuuang 11,674 na mga Filipino na nasa ibang bansa ang nagpositibo sa COVID-19.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA) mayroon ng tatlong bagong bilang ang nadagdag sa kanilang listahan.

Nagtala rin ng isang bagong gumaling at walang anumang naitalang nasawi.

Mayroong 3,263 ang ginagamot at 7,565 na nadapuan ay gumaling habang mayroon 846 ang nasawi.