-- Advertisements --

Bahagyang bumababa na ang bilang nga mga pasyenteng nagpositibo sa COVID-19 sa ilang mga pribadong ospital sa bansa, ayon sa Private Hospitals Association of the Philippines, Inc.

Matapos ang biglang pagsipa ng mga naoospital dahil sa nakamamatay nasakit, inihayag ni Dr. Jose Rene de Gano na nagkaroon rin naman agad ng pagbabago sa bilang ng mga pasyenteng na-aadmit na may COVID19.

Aniya, nananatiling manageable pa naman ang mga pasyenteng nasa ospital.

Dagdag ni de Grano, karamihan sa mga naitatalang kaso ay itinuturing na incidental cases o yung mga nagpatingin para sa ibang sakit at napag-alamang may COVID19.

Kaugnay niyan, ang nakikitaan umanong mga pasyente na nagpositibo sa virus ay mga mild cases lamang.

Sa ngayon, patuloy na hinikayat ni De Grano ang publiko na magpabakuna at wag ipagsa-walang bahala ang COVID19 dahil aniya, hindi pa rin ito nawawala saan mang panig ng mundo.