-- Advertisements --
joemel bikoy advincula
Joemel Advincula

Nagpaliwanag ang PNP sa paglalabas-masok sa loob ng Kampo Crame ni Peter Joemel Advincula alyas Bikoy kahit wala sa protective custody ng pulisya.

Paliwanag ni PNP spokesperson P/BGen. Bernard Banac, bumabalik si Advincula sa Crame kapag may ginagawang paglilinaw ang CIDG sa kanyang affidavit.

Binigyang-diin ni Banac, walang mali rito dahil tiniyak lang nila na tama ang mga nakuha nilang impormasyon para umusad ang imbestigasyon.

Sinabi ni Banac, ang pagsampa ng sedition case laban kay Vice President Leni Robredo at sa iba pang personalidad ay base talaga sa ebidensiya at imbestigasyon na isinagawa ng PNP.

Nilinaw naman ni Banac na walang ibang intensiyon ang PNP sa pagsasampa ng kaso laban kay Robredo.

“Walang ibang intention ang pamunuan. Kung ano man ang opinion patungkol sa bagay na ito ay ginagalang natin. Makakaasa an gating kababayan na walang anumang hangarin ang pnp kung di magsampa lamang ng kaso bahagi gn mandato na magimbestiga,” pahayag ni Banac.

Nilinaw din ni Banac na walang kinalaman o impluwensiya ang PNP kung magkaroon man ng impeachment case laban sa pangalawang pangulo ng bansa.

“Katulad ng pinahayag ng ating PNP chief, ang testimonya ni Advincula o alias Bikoy at corroborative na ebidensya ni Bikoy katulad ng documents at kanyang cellphone, laptops at iba pang sources na hindi maipahayag. Base duon nagkaroon ng substantial evidence para magsampa ng kaso,” dagdag ni Banac.