Kinumpirma ni Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) director M/Gen. Amador Corpus na personal na isinuko ni Peter Joemel Advincula alyas Bikoy ang sarili sa Philippine National Police (PNP) para isailalim sa protective custody.

Ayon kay Corpus, bumalik noong Lunes si Advincula at nagsumite na rin ng mga ebidensya na makatutulong sa imbestigasyon para patunayan ang kanyang mga alegasyon.

Kabilang sa kanyang isinuko ay ang cellphone nito na naglalaman umano ng usapan nila ng security chief ni Senador Antonio Trillanes IV at desktop nito.

Sinabi pa ni Corpus, na sa ngayon ay nasa ilalim ng protective custody ng CIDG si Advincula habang patuloy na iniimbestigahan ang mga alegasyon nito.

Humiling na rin ang PNP ng kopya ng closed-circuit television sa mga lugar na sinasabi ni Advincula na pinagdarausan nila ng pagpupulong kaugnay sa Project Sodoma.

bikoy albayalde advincula

Una nang inihayag ni PNP Chief Oscar Albayalde na hinihintay na lamang nila ang extra judicial affidavit ni Bikoy para kanila ng masimulan ang pag-iimbestiga.