CENTRAL MINDANAO – Nagdulot ng takot sa mga sibilyan ang sunod-sunod na putok ng 105 mm howitzers cannon sa probinsya ng Maguindanao.

Namataan umano ng mga sundalo ang mga miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa hangganan ng North Cotabato at Maguindanao.

Pinasabugan ng mga sundalo ang mga rebelde gamit ang kanyon kaya nabulabog ang mga sibilyan at ilan sa kanila ay lumikas patungo sa mga ligtas na lugar.

Plano sana ng mga terorista na maghasik ng gulo ngunit napigilan ng itoy mamataan ng militar.

May mga sibilyan ang nagsabi na may nasawi sa BIFF ngunit hindi pa ito makomperma ng militar dahil wala pa silang narekober na bangkay.

Sa ngayon ay patuloy na tinutugis ng mga sundalo ang pulutong ng ilang myembro ng BIFF sa Maguindanao.