-- Advertisements --

Pinatutsadahan ni dating US vice President Joe Biden si US President Donald Trump tungkol sa lumabas na report na naglalaman ng rebelasyon hinggil sa commande in chief ng US troops at maging ang kaniyang kapalpakan na protektahan ang mga ito mula sa Afghanistan at Russia.

Batay sa impormasyon, ilang American officials ang nagsiwalat na sikretong inalok ng Russian military intelligence unit ang Taliban-linked militants dahil napatay ng mga ito ang ilang myembro ng US troops sa Afghanistan.

Nakasaad din dito na nag-alok din di-umano ang Russia ng pabuya matapos ang tagumpay na pag-atake noong nakaraang taon.

“The truly shocking revelation that if the Times report is true, and I emphasize that again, is that President Trump, the commander in chief of American troops serving in a dangerous theater of war, has known about this for months, according to the Times, and done worse than nothing,” wika ng presumptive Democratic nominee.

Subalit paliwanag ng White House, hindi raw nakarating kay Trump o kay Vice President Mike Pence ang nasabing report.

“This does not speak to the merit of the alleged intelligence but to the inaccuracy of the New York Times story erroneously suggesting that President Trump was briefed on this matter,” saad ni press secretary Kayleigh McEnany.