-- Advertisements --

Pinangunahan ni US President Joe Biden ang paggunita ng ika-21 taon ng September 11 terror attacks.

Nagsagawa ito ng wreath laying ceremony sa Pentagon.

Binigyan papuri nito ang mga “extraordinary Americans” na nagbuwis buhay para sa bansa.

Pagtitiyak din nito na kahit umalis na ang mga sundalo ng US sa Afghanistan ay patuloy ang kanilang pagtutugis sa mga terorista.

Hindi aniya makakalimutan ng US ang pangyayari at siniguro nito na hindi na mauulit ang nasabing terror attack.

Kasama nito sa seremonya ng paggunita ay ang mga pamilya ng mga nasawi ganon din ang mga first responders na nasa Pentagon noong naganap ang pag-atake.

Mayroong tatlong lugar kung saan ginanap ang paggunita sa New York City, sa Pentagon at Somerset County sa Pennsylvania.

Magugunitang aabot sa 2,750 katao ang nasawi sa New York, 184 sa Pentagon at 40 sa Pennsylvania ang lugar kung saan ang eroplano na na-hijack ng mga terorista ay bumagsak kung saan kasamang nasawi dito ang 19 na mga terorista.