-- Advertisements --
Nagdulot ng malaking sunog ang ginawang drone attack ng Ukraine sa oil depot sa Sochi City sa Russia.
Ayon kay Sochi regional Governor Veniamin Kondratyev na mahigit 120 na mga bumbero ang nagtulong-tulong para maapula ang nasabing sunog.
Sumabog ang isang fuel tank na may kargang nasa 2,000 cubic meters na gasolina.
Napabagsak naman ng Russian defense forces ang nasa 93 drones ng Ukraine kabilang ang isa sa Krasnodar region at 60 naman sa karagatan ng Black Sea.