-- Advertisements --

Nagkampeon ang pambato ng bansa sa E-Sport World Cup na ginanap sa Riyadh, Saudi Arabia.

Tinalo ng Team Liquid Philippines ang Selangor Red Giants ng Malaysia sa score na 4-1 sa exclusive Mobile legends: Bang Bang (MLBB) Mid Season Cup.
Pinangunahan ni Sanford Marin “Sanford” Vinuya ang Pilipinas para mahigitan ang back-to-back na hanggang semifinals lamang ng bansa mula 2023 hanggang 2024.

Kasama nito si Karl Gabriel “KarlTzy” Nepomuceno, Alston “Sanji” Pabico, Jaypee “Jaypee” Gonzales dela Cruz at Kiel Calvin “OHEB” Soriano.

Dahil dito ay lalaban sila para makamit ang ikalawang Southeast Asiang Games gold medal na gaganapin sa Bangkok sa buwan ng Disyembre.

Ito ang unang MSC na award ng Team Liquid at pang-apat na kabuuang ng bansa matapos na magwagi noogn 2018 ang Aether Main; noong 2021 ay Execration at noong 2022 ay nagkampeon ang RSG Philippines.