Binalaan ni US President Joe Biden si Russian President Vladimir Putin na huwag magbalak na lumapit sa teritoryo ng NATO (North Atlantic Treaty Organization).
Sa kaniyang talumpati sa pagbisita nito sa Poland, sinabi ng US president na hindi magdadalawang isip ang US at mga NATO members na gumawa rin ng nararapat na hakbang.
Paglilinaw din nito na sa nagaganap na kaguluhan sa pagitan ng Ukraine at Russia ay hindi makikiialam ang US.
Nasa Europe aniya ang sundalo ng US para ipagtanggol ang NATO.
Iginiit pa nito na hindi na nararapat na maging pangulo pa ng Russia si Putin.
“For God’s sake, this man cannot remain in power.”
Nanawagan din ito na dapat magkaroon na ng agarang halalan sa Russia para mapalitan na ang pamumuno ni Putin sa puwesto.
Magugunitang sinabi noon ni US Secretary of State Antony Blinken na hindi nila layunin na masibak sa puwesto si Putin dahil nasa desisyon ng mga mamamayan ng Russia kung sino ang kanilang pipiliin na mamumuno sa kanilang bansa.