-- Advertisements --

Nagbabala ang Bureau of Immigration (BI) kasunod ng patuloy na pagtaas ng bilang ng mga Pilipinong ilegal na lumalabas ng bansa upang magtrabaho sa iba’t ibang bahagi ng Asya.

Binalaan ni Bureau of Immigration (BI) Commissioner Joel Anthony Viado ang mga nagnanais magtrabaho sa ibang bansa hinggil sa pagdami ng mga ilegal na alok sa trabaho sa iba’t ibang bansa sa Asya, habang parami nang parami ang mga mapanlinlang na recruiter na nambibiktima ng mga Pilipinong naghahangad ng trabaho sa abroad.

Ang anim na repatriates — dalawang lalaki na may edad 29 at 27, at apat na babae na may edad 21, 26, at 29 — ay dumating nitong Miyerkules ng umaga mula Phnom Penh, Cambodia.

Ayon sa BI, isa sa anim ang dumaan sa ilegal na ruta o “backdoor” sa Palawan, habang ang lima ay umalis sa bansa bilang mga turista mula Maynila.

Ayon sa Bureau of Immigration (BI), isa sa anim ang dumaan sa ilegal na ruta o “backdoor” sa Palawan, habang ang lima ay umalis sa bansa bilang mga turista mula Maynila.

Ayon sa isa sa mga biktima, ang pangunahing target ng kanilang operasyon ay mga taong nagtatrabaho mula sa bahay sa Estados Unidos.

Ikinuwento ng anim na biktima na humingi sa kanila ng halagang USD 2,000 hanggang USD 8,000 para sa kanilang paglaya, ngunit pinili nilang tiisin ang sitwasyon; isa sa kanila ang nakatakas nang utusan siyang pumunta sa isang mall para bumili ng mga gamit.

Ayon sa BI, karamihan sa mga biktima ay napaniwala ng pekeng job advertisements  at nahikayat ng mataas na sahod kaya sumali sa mga scam hub.

Ani Viado, pinapakita ng kaso ang bagong taktika ng mga trafficking syndicate, na lginagamit ang Cambodia bilang source, transit, at destination country para sa human trafficking.