Kinumpirma ng Bureau of Immigration na kanila ng binabantayan sa isinasagawang ‘monitoring’ ang paglabas at maging pagbalik ng bansa sa mga indibidwal sangkot sa ‘missing sabungeros case’.
Ayon sa kay Spokesperson Dana Sandoval, inatasan na ni Immigration Commissioner Joel Anthony Viado ang mga tauhan ng kawanihan para i-monitor ang mga nasasangkot sa pagkawala ng mga sabungero.
Ngunit kanyang nilinaw na ang aksyong ito ay isang ‘proactive measure’ pa lamang sa kadahilanang bigo makatanggap pa ng ‘lookout bulletin order’ mula sa Department of Justice.
Maaalalang nauna ng sinabi ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na kanila ng inisyu ang naturang kautusan kontra mga ‘respondents’ sa ‘missing sabungeros case’.
Kabilang rito maging ang negosyanteng si Charlie ‘Atong’ Ang na magugunitang mariin ng pinabulaan ang kanyang pagkakasangkot at alegasyon ‘mastermind’ sa isyu.
Bagama’t maari pa ring makalabas ng bansa ang mga nasasangkot, ang ‘Immigration Lookout Bulletin Order’ ay layon makakuha ng impormasyon hinggil sa pagbalik at pag-alis man ng mga ito ng Pilipinas.