-- Advertisements --
Nagbabala ang Bureau of Immigration (BI) sa publiko laban sa paglaganap ng online love scams.
Ayon sa BI, na ginagamit pa umano ng mga suspeks ang kanilang opisina para makapambiktima.
Nabunyag ang nasabing modus ng isang biktima ang lumapit sa kanilang opisina.
Nagpadala umano ng package ang nagpakilalang nobyo ng biktima kung saan naharang ito immigration.
Para makuha aniya ang padala ay kailangan magbayad ang biktima.
Dahil dito ay agad na inindorso ng BI ang kaso sa Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) at National Bureau of Investigation (NBI) Cybercrime Division para sa mas malalim na imbestigasyon.















