-- Advertisements --

Ipinagmalaki ng top envoy ng china sa pilipinas ang napakaganda umanong relasyon ng kanilang pamahalaan sa Pilipinas sa loob ng limang taon sa ilalim ng Duterte administration.

Ayon kay Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian anuman ang gusot sa isyu ng West Philippine Sea ay maayos namang hinaharap ng dalawang bansa.

Ginawa ng ambassador ang pahayag kasunod na rin nang panibago na namang diplomatic protest na inihain ng DFA upang iprotesta pa rin ang pananatili ng maraming Chinese militia vessesl sa West Philippine Sea.

Giit naman ni Ambasador Xilian, mula pa noong 2016 nang umupo ang Pangulong Duterte ay pinagtibay na ang pangako na pagkakaibigan at pagsusulong sa kapayapaan.

Ipinagmalaki rin nito na ang China ang pinakamalapit daw na kaalyado ng Pilipinas, pinakamalaking trading partner at ikalawang pinakamalaking foreign investor noong nakaraang taon.