Xinfadi Beijing

Nagpatupad nang soft lockdown ang buong lungsod ng Beijing sa China matapos ang panibagong pagkatala ng 100 na locally transmitted coronavirus cases.

Itinaas din ang alert level na mula sa dating alert level 3 ay naging level 2 na ito.

Sinabi ni Deputy Secretary Chen Bei ng Beijing government, naitala ang mataas na bilang ng kaso sa Xinfadi ang pinakamalaking wholesale food market sa lugar.

Dahil dito ay inatasan ang pag-dissenfect ng 30,000 na kainan sa lugar at ang paghigpit sa paglabas ng mga residente.

Pinagbawalan din na makalabas sa lugar ng Xinfandi market ang mga naninirahan doon.

Karamihan ay nagbebenta ng prutas, gulay at karne ng mga baboy, baka at manok ang nasabing palengke.

Bukod sa nasabing area may dalawa pang palengke ang isinara at ito ay kinabibilangan ng Yuquandong market at Tiantao Honglian market dahil sa pagpositibo ng ilang residente doon.