SMBeermen
Beermen/ PBA FB photo

Tinambakan ng San Miguel Beermen ang Blackwater 127-106 sa patuloy na PBA Commissioner’s Cup.

Naging bida sa panalo si Charles Rhodes na nagtala ng 32 points, 19 rebounds at limang blocks.

Nagtala naman ng 29 points si Marcio Lassiter habang mayroong 19 points si Alex Cabagnot.

Sinamantala ng Beermen ang kawalan ng import ng Blackwater na si Alex Stephenson an nagtungo sa US para magpagamot.

Ayon naman kay Beermen coach Leo Austria na hindi walang epekto ang kawalan ng import ng kalaban dahil desidido sila na manalo kada laro.