Nakuha ng San Miguel Beermen ang unang panalo sa PBA Philippine Cup ng ilampaso ang Terrafirma 105-98.
Matapos kasi ang dalawang beses na pagkatalo at isang araw na hindi nakasama si Terrence Romeo dahil sa injury ay hindi pinabayaan ng ilang manlalaro na sila ay mahigitan pa ng mga Terrafirma sa laro na ginanap sa Angeles University Foundation Sports Arena and Cultural Center.
Namayani sa panalo si Mo Tautuaa na mayroong 25 points, anim na rebounds at tatlong assists habang mayroong 20 points at 14 points si Arwind Santos samantalang 17 points ang idinagdag nina Paul Zamar at Marcio Lassiter.
Itinuturing ni Beermen coach Leo Austria na mahalaga ang panalo dahil ito hirap silang makarecover at nadala pa nilang maipanalo ang laro.
Mula pa kasi sa simula ng laro ay kontrolado na ng Beermen ang laro.