-- Advertisements --

Nagdeklara ng state of calamity ang lokal na pamahalaan ng Cebu City matapos ang malagim na pagguho ng bundok ng basura sa Binaliw Landfill na ikinasawi ng 13 katao.

Ayon sa mga otoridad, patuloy ang search and rescue operations upang hanapin ang mahigit 20 indibidwal na iniulat na nawawala.

Kaugnay nito, naglaan ang pamahalaang lungsod ng P30 milyon bilang pondo para sa agarang pagtugon sa krisis sa basura at kaligtasan ng mga residente.

Sinabi ni Councilor Dave Tumulak, na naghain ng resolusyon, na ang insidente ay nagdulot ng matinding problema sa waste management ng Cebu City.

Naglabas din ang DENR ng cease-and-desist order laban sa landfill upang maiwasan ang karagdagang panganib.

Itinakda naman ng Sangguniang Panlungsod ang Enero 16, 2026 bilang Day of Mourning para sa mga nasawi.

Dahil dito, nanawagan ang lokal na pamahalaan sa mga mamamayan na manatiling alerto at makiisa sa mga hakbang para sa kaligtasan ng lungsod.

Inaalerto naman ang mga malapit sa lugar na maging mapagmatyag lalo’t may papalapit na namumuong sama ng panahon.