SMB
SMB/ FB post

Dumaan sa matinding pagsubok ang San Miguel Beermen para makuha ang kampeonato ng PBA Philippine Cup matapos talunin ang Magnolia Hotshots 72-71 sa kanilang game 7.

Ang panalo ay nagdala sa Beermen sa kasaysayan ng PBA dahil sa pagkakaroon ng kampeonato sa limang magkakasunod na taon at ito na rin ang pang-26 na kampeonato ng koponan.

Tinanghal bilang finals Most Valuable Player si June Mar Fajardo na nagtala ng 17 points at career-high na 31 points.

Nagtala naman ng 18 points si Alex Cabagnot habang mayroong 17 points at 11 rebounds si Arwind Santos.

Hawak pa ng Hotshots ang kalamangan ng laro kung saan umabot pa sa 17 points hanggang mahabol ito ng Beermen sa kalagitnaan ng third quarter.