Reading Time: 1 minute
San Miguel Beermen
San Miguel Beermen/ PBA image

Naitabla ng San Miguel Beermen sa 2-2 ang best-of-seven PBA Commissioner’s Cup finals nila ng TNT KaTropa, 106-101.

Bumida sa panalo ng Beermen si Chris McCullough na nagtala ng 27 points at 22 rebounds.

Nag-ambag naman ng 25 points si Alex Cabagnot habang mayroong 22 points si June Mar Fajardo.

Itinuturing ni Beermen coach Leo Austria na mahalaga na maipanalo ang laban.

Nasayang naman ang nagawang 22 points, 16 rebounds, six rebounds, six steals at two blocks ng Best Import ng conference na si Terrence Jones ng TNT.