PBA BEERMEN FILE PHOTO
SMB vs Phoenix (PBA file Photo)

Isang panalo na lamang ang kailangan ng San Miguel Beermen para makapasok sa finals ng PBA Philippine Cup matapos talunin ang Phoenix Pulse 114-91.

Pinangunahan ni Terrence Romeo ang panalo ng Beermen na nagtala ng 20 points para makuha ang 3-1 na kalamangan ng kanilang best of seven semifinals.

-- Advertisement --

Naging matindi ang laro dahil muntikan ng mauwi sa suntukan sina Beermen player Alex Cabagnot at RJ Jazul ng Phoenix sa 2:22 natitira sa ikalawang quarter.

Pinatalsik din sa playing court si Alex Mallari ng Phoenix dahil sa dalawang magkasunod na technical fouls mula sa alitan nila ni Matt Ganuelas-Rosser.

Pinalabas din si Jaypee Mendoza sa loob ng ikatlong quarter dahil sa pagmumura sa sagutan nila ni Chris Ross.

Sa kabuuan ay mayroong walong technical fouls ang naitawag.

Sinabi naman ni Beermen coach Leo Austria na hindi naapektuhan ang kanilang laro kahit na maraming technical fouls ang naitawag sa laro.