San Miguel Beermen
San Miguel Beermen/ PBA image

Ginawa na lamang close door at ipinagbawal na ang mga publiko na manood sa ensayo ng San Miguel Beermen.

Ipinatupad ito isang araw matapos ang naganap na pag-aaway ng kanilang import na si Dez Wells, Arwind Santos at Ronald Tubid.

Matapos ang insidente sa Upper Deck Sports Center sa Pasig City ay hindi pa nagbibigay ng anumang pahayag ang opisyal ng koponan.

Nangyari ang insidente ng matumba si Wells sa kanilang ensayo dahil sa pag-aagawan ng bola nila ni Santos subalit bigla na lamang sinuntok ni Tubid si Wells.

Gumanti naman si Kelly Nabong at sinuntok si Tubid.

Agad namang pinalabas ang mga nanonood sa ensayo at mula noon ay hindi na nagbigay pa ng anumang pahayag ang Beermen.