Michael Beasley
Beasley/ NBA image

Suspendido ng limang laro ang free agent na si Michael Beasley.

Ito ay dahil sa paglabag niya ng drug policy ng NBA.

Magsisimula ang kaniyang suspension sakaling magsimula na siyang pumirma ng bagong kontrata.

Naglaro n 26 games sa Los Angeles Lakers noong nakaraang season ang 30-anyos na si Beasley.

May average points ito na 7.0 points at 2.3 rebounds.

Sa loob ng 11 seasons nito sa NBA ay naglaro na rin ito sa Miami Heat na naging No.2 forward overall noong 2008 NBA Draft.